9.4 gramo ng shabu nasamsam sa Buy-Bust Operation sa San Juan City

Arestado ang maglive in partner na sina Joey Guitang A.K.A. Pepot at Janette Rodriguez a.k.a. Janet na parehong kabilang sa listahan ng drugs watch list.

Ito ay matapos ikasa ng San Juan City Police ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa tinitirahan hito sa 3rd floor, Building 2, San Juan Villa, Barangay Kabayanan, pasado alas- 7:30 kagabi.

Nakuha mula sa mga suspek ang 9.4 grams ng shabu na may katumbas na halaga na 63,920.00


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakakulong na sa San Juan City Police Station Custodial Facility para booking at documentation.

Facebook Comments