9.8 bilyong pisong halaga ng investment pledges, nakuha ni PBBM sa unang presidential visit sa Europa

Nakalikom si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng 9.8 bilyong pisong investment pledges sa kanyang unang byahe sa Europa bilang presidente.

Ang pangulo ay tatlong araw na nanatili sa Brussels, Belgium at nakiisa sa ASEAN-EU Commemorative Summit mula December 11 hanggang December 14.

Ayon sa pangulo, ang tiwala ng mga European business para maglagak ng negosyo sa Pilipinas ay patunay na lumalawak na investment plans ng bansa hangang sa mga European Companies.


Ayon sa pangulo, ito’y makakatulong para sa fast-moving consumer goods, shipbuilding, renewable energy at green metals.

Samantala, sa ginanap na gala dinner sa Brussel, Belgium na dinaluhan ng pangulo, hosted ang European Union, nakipagpalitan ng ideya at pananaw ang pangulo sa kaniyang mga counterparts sa ASEAN-EU sa mga usapin partikular sa may kinalaman sa connectivity, trade, green, digital transition, food security, maging geopolitics.

Facebook Comments