Nadagdagan pa ang war chest ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Nasa $9.91 billion na halaga ng loans at grants ang na-secure ng pamahalaan mula sa foreign lenders para pondohan ang iba’t ibang proyekto sa ilalim ng COVID-19 response.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang unang monthly report sa Kongreso sa pagpapatupad ng Bayanihan 2 law.
Mula sa nasabing halaga, $9.29 billion ay nahiram mula sa Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Bank, Agence Française de Développpement, Japan International Cooperation Agency (JICA) at ang dual-tranche issuance ng USD-denominated global bonds.
Nasa $621.36 million ay inilaan para sa pagpapatupad ng ilang proyekto para sa COVID-19.
Ang mga programang susuportahan ng foreign lenders ay mula sa COVID active response support, social assistance, infrastructure support, agriculture development, disaster resilience, disaster risk management at pagbibigay ng medical equipment.
Ang Bureau of Treasury ay nag-isyu na ng mga certifications para sa additional revenues at availability ng mga pondo na nagkakahalaga ng ₱140 billion para sa pagpapatupad ng Bayanihan 2 law.