9-anyos lalaking binu-bully dahil may dwarfism, humiling na mamatay na lang

Quden Bayles. Screenshot from Facebook video of Yarraka Bayles

Ibinahagi ng isang ina sa Australia ang epekto ng pambu-bully sa 9-taon-gulang niyang anak na may Achondroplasia dwarfism.

Sa viral na video, kinuhanan ni Yarraka Bayles ang masakit na sandaling nakikiusap ang anak niyang si Quaden na wakasan na ang sariling buhay.

“Give me a rope, I want to kill myself,” umiiyak na sinabi ng bata.


“I wish I could stab myself in my heart. I want someone to kill me,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Yarraka sa video, nakita niya ang ilang estudyante na tinatapik ang ulo at pinagtatawanan ang taas ni Quaden nang sinundo niya ang anak sa paaralan.

Inilabas ng nanay ang video dahil gusto niyang ipaalam sa publiko ang idinudulot ng bullying at para na rin humingi ng payo mula sa ibang magulang tungkol sa sitwasyon ng anak.

“I want people to know, this is the effect bullying has. This is what bullying does. All it takes is one more instant, and you wonder why kids are killing themselves,” lahad niya mula sa likod ng camera.

“I want people to know how much this is hurting us as a family… I’ve got to constantly keep my eye on him because of the suicide attempts,” aniya pa.

Nanawagan din si Yarraka sa mga paaralan na ipaintindi sa mga bata ang tungkol sa mga kapansanan nang matigil na ang pangungutya.

Ika pa ng ina, “Nobody knows the battles we face in private. I usually share all the positive highlights, but this stuff needs to be addressed to save our babies’ lives.”

Simula nang i-post noong Martes, umabot na sa 18 million views ang video na umani ng suporta online at sa kanilang komunidad.

Napansin din ito ng malalaking personalidad kabilang ang mga atleta ng Indigenous Australian professional rugby league na nangimbita kay Quaden na maglaro kasama sila sa Sabado.

“Just want to wish you all the best brother. We know you’re going through a hard time right now but the boys are here, we’ve got your back. We’re here to support you, bud,” mensahe ni Latrell Mitchell, isa sa mga player na nakita na noon ng bata.

Libu-libo na rin ang nag-ambag sa ginawang GoFundMe upang tulungan si Quaden na makapagbakasyon sa Disneyland.

Facebook Comments