9-anyos, natagpuang patay matapos ang 4 na taong paghahanap

FLORIDA – Matapos ang apat na taong paghahanap ay natagpuan na rin ang katawan ng batang nawala noon pang 2016.

Nakita ng grupo ng mga surveyors ang katawan ni Diana Alvarez, 9, sa Yeehaw Junction sa Osceola County noong Huwebes ayon sa report ng awtoridad.

Apat na taon na ang nakararaan nang mawala si Alvarez kaya nagkaroon ng malawakang paghahanap dito.


Makalipas ang isang buwan ay isang kaibigan ang inaresto ng pamilya ng bata matapos marekober ng pulisya ang telepono nitong naglalaman ng malalaswang litrato ng biktima.

Hinatulan ng reklamong possessing child pornography ang suspek na si Jorge Guerrero-Torres matapos ang imbestigasyon, at nahatulan ng 40 taong pagkakakulong.

Bagaman may ebidensya na ng pagpatay, hindi pa rin nagtagumpay ang awtoridad na mahanap ang katawan ni Alvarez noong 2016 at 2017.

Samantala, malaki ang naman ang pasasalamat ng pamilya ng biktima dahil sa nangyari.

Sa wakas ay nakuha na umano nila ang hustisya sa pagkawala at pagkamatay ng bata.

Facebook Comments