9, arestado dahil sa iligal na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang siyam na indibidwal dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na mga paputok.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nakakumpiska rin ang kapulisan ng 27,829 illegal firecrackers o nagkakahalaga ng ₱361,968 simula December 16.

Kasunod nito muling nagpaalala ang PNP sa publiko na sundin ang batas hinggil sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok at pailaw.


Mahigpit aniyang ipinagbabawal ang firecrackers na overweight at oversized.

Mayroon ding dapat na community display area dahil bawal na magpaputok sa bawat bahay sa pagsalubong sa bagong taon.

Ang sinumang lalabag dito ay mahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 7183 kung saan may multa itong P30,000 o pagkakalulong ng hanggang isang taon.

Facebook Comments