Cauayan City, Isabela- Siyam na barangay mula sa Saguday,Quirino ang kinilala sa kanilang pagpapatupad ng Zero Open Defecation program ng Department of Health.
Kabilang ang mga barangay ng Barangay Cardenas, Dibul, Gamis, Lapaz, Magsaysay, Rizal, Salvacion, Sto. Tomas, at Tres Reyes sa ginawaran ng pagkilala ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD).
Kabilang sa natanggap ng mga barangay ang cash incentive mula sa Local Government Unit, Hygiene/Disaster Kit mula sa MDRRMO,Certificate and health-related commodities mula sa CVCHD ang inabot sa mga kapitan ng nabanggit na barangay.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng blessing and inauguration para sa bagong Basic Emergency Obstetrics and Newborn Care (BEMONC).
Kasabay nito, nag-ikot ang DOH sa sa Diffun Municipal Health Office at Reproductive Health Clinic para suriin ang sitwasyon ng mga pasilidad.
Facebook Comments