9 estudyante, naospital matapos makakain ng marijuana candy

Isinugod sa ospital ang siyam na estudyante sa Colorado, US, matapos makakain ng candy na hinaluan ng marijuana noong Lunes, Marso 9.

Sa loob umano mismo ng Adam City Middle School nangyari ang insidente, ayon sa ABC12 News.

Bandang hapon nang tumawag ng ambulansya ang paaralan matapos makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka ang siyam sa 11 batang kumain ng candy.


โ€œNo one was, at any time, in any life-threatening danger,โ€ pagsiguro ni John Poynton, tagapagsalita ng school district.

Dahil sa insidente, pinakiusapan ang mga magulang na sunduin sa eskuwelahan ang kanilang mga anak.

Hindi pa naman natutukoy kung saan nanggaling ang candy na kinain ng mga estudyante.

Samantala, sinabi ng advocacy group na Smart Colorado na parami na nang parami ang mga batang pinipili ang edible marijuana.

Gayunpaman, nagbabala ang isang kinatawan ng organisasyon na maaaring makasama ang candy na sinamahan ng high-THC marijuana-concentrated oil.

Facebook Comments