9 GCQ Violators; 5 Sugarol, Natimbog sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Umabot sa labing apat (14) na katao ang naaresto ng mga otoridad dahil sa paglabag ng mga ito sa ipinatutupad na curfew hour, social distancing at pagsusugal sa magkakahiwalay na bayan sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, karamihan sa mga naaresto ay mga nasa hustong gulang at naispatan ng mga otoridad na pagala-gala sa lansangan habang ilan sa mga ito ay mga lumabag sa social distancing na sakay ng motorsiklo.

Ito’y kasunod pa rin sa mahigpit na pagpapatupad ng mga protocols sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) sa Lalawigan.


Inihahanda na ng mga pulisya ang kasong isasampa sa mga nahuling GCQ violators.

Samantala, natimbog rin ang limang (5) indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan.

Maliban sa paglabag ng mga ito sa PD 1602 ay lumabag din ang mga ito sa social o physical distancing.

Kasong illegal gambling at paglabag sa RA 11332 ang kakaharaping kaso ng limang nadakip na kinilalang sina Sheila Binua, 43 anyos; Querobin Arellano, 27 anyos; Sunshine Calata, 26 anyos; Jay-R Taguba, 24 anyos, at Malou Ballada, 23 anyos na pawang mga residente ng barangay Macanaya.

Facebook Comments