9 high profile inmates sa Bilibid, balik maximum security compound

Bilibid – Ibinalik na sa maximum security compound ang siyam na high profile inmates.

Pasado alas-dose kanina nang ilabas sa medium security compound sina Vicente Sy, ang drug lord na kumumpirma na si Leila De Lima ang namamalakad ng droga sa bilibid; Samli Chua, isa sa sampung mga suspect sa alleged shabu laboratory sa Xavierville Subdivision noong 2002; Peter Co na kinulong noong 2001 dahil sa pagbebenta ng iligal na droga noong 2001; Hans Anton Tan, isa sa pitong car theft gang na nakulong dahil sa operasyon na isinagawa ng mga pulis sa Bulacan, Tarlac at Baguio noong 2001; Joel Capones, Jojo Baligad at Peter Co, mga miyembro ng grupo na pinangalanan na Bilibid boys.

Kaugnay nito, nagtagal ng walong oras ang Oplan Galugad ng SAF ang building 14 bilibid prison.


Ayon kay PCI Jonalyn Malnat, spokesperson ng SAF, kabilang sa 229 cellphones, 369 bladed weapons, salapi na nagkakahalaga ng 68, 393 pesos, 3 small plastic sachet ng suspected shabu, 799 packs of cigarette, assorted na appliances at ibang electronic gadgets.

Ang mga cellphones at bladed weapon ay ipinasakamay sa NBP habang ang mga illegal drugs ay nasa kustodiya ng PDEA.

Facebook Comments