9 Injured sa Hi-Ace Van Crash sa Tinambac CamSur

Isang Hi-Ace Van ang bumangga sa nakaparadang backhoe na ginagamit sa tonatrabahong kalsada sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Nangyari ang insidente sa Barangay Banga ng nasabing bayan bandang alas onse ng tanghali.
Ayon sa report, isang dirty-white Hi-Ace Van na minamaneho ng isang Christian Cabaltera ng Lagonoy ang bumangga sa isang Backhoe habang mabilis na tumatakbo ang una galing sa direction ng Baranay Poblacion patumgo sa Barangay Tamban.
Ang Van ay napag-alamang pagmamay-ari ng isang Teofilo Gabara ng bayang ng Lagonoy.
Nasaktan sa nasabing insidente ang mga sakay ng bumanggang Van na sina Incarnacion Nitollano y Gaor – balo, edad 71, Juliet Nitollano y Obeso, 36, Mary Jane Gadia y Nitollano, 41, Jana Gadia y Nitollano, edad 7, Nora Nitollano y Esrael, 47, Rona Nitollano y Esrael , 16, Cetita Gabara y Nitollano, 46, Jake Nitollano y Mahinay, edad 7, at Jilian Nitollano y Mahinay edad 10. Ang biktimang magkamag-anak ay pawang mga taga Lagonoy.
Kaagad namang dinala sa Tinambac Infirmary Hospital ang mga biktima.
Ayon pa sa follow-up interview ng DWNX sa otoridad, ipinahayag ng iposyal ng Tinambac Police na madulas ang nasabing kalsada at lubhang delikado sa mga byahero na hindi pamilyar sa nasabing kalsada.
photo is only for visual representation, not the real car.

Facebook Comments