9 KASO NG FIREWORK-RELATED INJURIES, NAITALA NG ISANG OSPITAL SA DAGUPAN CITY

Nakapagtala na ng siyam na kaso ng firework-related injuries ang isang DOH-run hospital sa Dagupan City as of December 26, 2025.

Sa isang pagtitipon, inihayag ng R1MC Oplan Iwas Paputok Officer-in-Charge na agad na nagamot ng ospital ang mga naturang pasyente.

Binigyang-diin naman ng pamunuan ng ospital na nakahanda silang tumugon sa anumang emergency ngayong holiday season.

Samantala, ayon sa Department of Health – Ilocos Center for Health Development, nakataas na ang Code White sa lahat ng pampublikong health facilities sa rehiyon hanggang Enero 5, 2026.

Sa kabuuan, nadagdagan ng 23 kaso ng firework-related injuries sa buong Region 1 sa loob ng dalawang araw mula noong Araw ng Pasko.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa kalusugan na iwasan ang paggamit ng paputok upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments