Nadakip ng mga otoridad ang 9 na residente sa Barangay 649 sa Baseco Compound sa Maynila matapos gumamit ng pekeng identification card (ID) para makakuha ng ayuda.
Ayon kay Rose Pangan, Officer-in-Charge (OIC) ng Manila Department of Social Welfare Baseco Satellite Office, naghinala sila nang hindi makasagot ang mga suspek sa kanilang mga katanungan.
Dito na natuklasan na isang modus ang ginagawa ng mga suspek para makakukuha ng ₱1,000 habang ₱3,000 naman sa grupong nasa likod nito.
Pero depensa ng isa sa mga suspek, pinakukuha lamang ng kaniyang pinsan ang ayuda dahil nasa probinsya ito.
Giit naman ng isa pang suspek ay napag-utusan lamang siya ng isang grupo na hindi na pinangalanan.
Karamihan sa mga naaresto ay nagpresenta ng ID mula sa Manila Royal House and Council of Elders na nahaharap ngayon sa kasong estafa at falsification of documents.