Arestado ang 9 katao dahil sa pagbebenta ng COVID-19 rapid test kits sa Barangay South Triangle sa Quezon City.
Isang Marize Santiago at siyam na iba pa ang natimbog ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ikinasang buy-bust operation.
Napag-alaman na si Santiago ay konektado sa isang grupo ng Chinese citizens na nag-aalok sa online ng test kits.
Sa inisyal na ulat, napapayag ang mga suspek na pagbentahan ng ₱204,000 na halaga ng test kits ang mga operatiba.
Bigo ang grupo ni Santiago na magpakita ng mga dokumento na otorisado silang magbenta ng test kits.
Aabot naman sa ₱9 milyong halaga ng unauthorized rapid test kits ang nakumpiska sa grupo.
Facebook Comments