9 lamang ang naitala ngayong araw ng DOH na mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19; DFA, walang naitalang Pinoy sa abroad na bagong namatay sa COVID-19

42

Ang total deaths na ngayon ay 9,356 o 1.94%.

1,353 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa bansa ay 482,083.


Ang aktibong kaso naman ay 23,675 o 4.9%.

360 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 449,052 o 93.1%.

Nangunguna naman ang Rizal sa may pinakamaraming bagong kaso, sumunod ang Laguna, Marikina, Quezon City at Davao City.

Samantala, walang naitala ang DFA na bagong Pinoy sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.




Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 934.

16 naman ang mga Pinoy na bagong na-infect ng virus sa ibayong dagat kaya ang total cases na ay 13,017.

Ang aktibong kaso naman ay 3,623.

14 naman na overseas Filipinos ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 8,460.

Facebook Comments