9 miyembro ng Dawlah Islamiyah Group, patay sa bakbakan ng tropa ng militar sa Piagapo, Lanao del Sur; isa sa mga suspek sa MSU bombing incident noong December 2023, kabilang sa mga nasawi

9 na miyembro ng Dawlah Islamiyah group ang patay sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa Piagapo, Lanao del Sur.

Ayon kay Philippine Army Public Affairs Chief Colonel Louie Dema-Ala, nangyari ang engkwentro noong Huwebes sa Barangay Tapurog.

Mula sa 9 na nasawi, 8 na rito ang nakilala ng mga otoridad.


Kabilang dito si Saumay Saiden o mas kilala sa mga tawag na Ustadz Omar o Abu Omar, isa sa 4 na pangunahing suspek sa pagpapasabog sa gynasium ng Mindanao State University (MSU) noong December 2023.

Isa rin sa mga nasawi si Abdul Hadi Alyas Hodi Imam o Abday’n na umano’y gumawa ng improvised explosive device na ginamit sa MSU bombing incident na kinasawi ng 4 na sibilyan at ikinasugat ng 45 na iba pa.

Sa ngayon ay ongoing ang pursuit operations sa iba pang miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Facebook Comments