Sinimulan na ng Pilipinas ang 9-month clinical trials para sa Japanese anti-flu drug na Avigan.
Ang Avigan ay brand name ng Favipiravir, ang anti-flu drug na gawa ng Japanese Firm na Fujifilm Holdings Corporation.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pag-aaralan ang bisa nito laban sa COVID-19.
Isasagawa ang trials sa apat na ospital sa Metro Manila.
Sa ilalim ng clinical trials, ang mga ospital na magsasagawa nito ay isusubok ang gamot sa 100 pasyente.
Ang trials ay magiging “open label”, “multicenter” at “randomized” comparative study kung saan ang mga participant ay hahatiin sa dalawang grupo.
Ang unang set ng pasyente ay bibigyan ng supportive care ng mga hospital habang ang ikalawang grupo ay tatanggap gamot.
Ang mga may edad 18 hanggang 74 ay maaaring sumali sa trials at handa dapat silang gumamit ng contraceptives habang sumasailalim sa pag-aaral.
Paliwanag ni Vergeire, ang contraceptives ay kailangan lalo na at ito ay teratogenic o maaaring magdulot ng birth defects.
Nasa P18 million ang inilaaan ng pamahalaan para clinical trials.