9 na barangay sa Cotabato City ZERO CRIME Rate sa first 2 quarter ng 2018

Siyam na barangay sa Cotabato City ang nakapagtala ng Zero Crime Rate simula noong January hanggang sa pagtatapos ng buwan ng June ngayong taon.

Sa EXCLUSIVE na impormasyong ipinarating sa DXMY ng mga otoridad , kinabibilangan ito ng mga Baranggay ng Kalanganan 1, Tamontaka 3, 4 , 5 , Bagua 3, at Poblacion 1, 2, 3, at 8.

Kaugnay nito pinasasalamatan ng mga otoridad ang mga ginagawang mga inisyatiba at pagsisikap ng mga opisyales ng mga nabanggit na barangay at mga kababayan ng mga ito para mapanatili ang katiwasayan sa kani kanilang mga lugar.


Kaugnay nito , nakapagtala lamang ng 148 na Index Crime sa buong syudad simula ng January. Nangunguna sa naitalang krimen ay Robbery 41, Theft 36, Carnapping 13, Physical Injury 22, Homecide 19, Murder 13 at rape 5.

Habang nanguna naman ang Poblacion 5 sa may mga naitalang index crime sa unang anim na buwan ng taon, nakapagtala ito ng 21, habang sinundan ito ng RH 10 na may 12 at RH 7 may labing isang naitalang krimen.

Patuloy naman ang paghimok ng mga otoridad sa pangunguna ng City PNP at Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi na makipagtulungan para na rin maipagpatuloy ang kapayapaan sa buong syudad.


Facebook Comments