9 na Bayan sa Probinsya ng Isabela, Isinailalim sa Total Lockdown dahil sa African Swine Fever

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim na sa total lockdown ang siyam (9) na bayan sa Isabela matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, isinailalim sa total lockdown ang mga bayan ng  Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon at Jones na apektado ng ASF.

Tatlong bayan naman ang may ASF under Investigation na kinabibilangan ng mga barangay Pangal Sur at San Manuel sa Echague, Isabela; Barangay Santos sa Quezon at barangay Santiago sa Reina Mercedes, Isabela.


Umabot sa 955 na baboy na pag-aari ng 155 hog raisers ang isinailalim na sa culling o pagpatay at pagbaon sa lupa.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan na mabibigyan ng angkop na ayuda ang mga hog raisers matapos isailalim sa culling ang kanilang mga alagang baboy.

Facebook Comments