Cauayan City, Isabela- Nakakategorya sa ‘Critical Risk Epidemic’ ang siyam (9) na mga bayan sa rehiyon dos.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2.
Ang mga bayan na nasa ‘critical risk’ sa COVID-19 pandemic ay kinabibilangan ng Burgos, Ramon, Naguilian, San Mariano, Mallig, at San Guillermo sa Lalawigan ng Isabela; Claveria sa lalawigan ng Cagayan at mga bayan ng Alfonso Castañeda, at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.
Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nakapagtala ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Gayunman, nilinaw ng DOH na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.
Facebook Comments