Siyam na baybayin sa bansa ang isinailalim sa red tide alert ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Positibo sa red tide toxin ang:
- Puerto Princesas Bay sa Puerto Princesa City, Palawan
- Maqueda, Irong-Irong, Silanga at Cambatutay Bays sa Western Samar
Habang nasa ilalim ng red tide alert ang:
- San Pedro Bay sa Western Visayas
- Lianga Bay sa Surigao del Sur
- Coastal Waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
- Balite Bay sa Mati, Davao Oriental
Base sa resulta ng laboratory exam sa mga shellfish sa mga nabanggit na lugar, nananatiling positibo ang mga ito sa paralytic shellfish poison.
Dahil dito, bawal munang kumain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na baybayin.
Habang ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta at sariwa at hinugasang mabuti.
Facebook Comments