9 na baybayin sa bansa, positibo sa red tide toxin

Siyam na baybayin sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin.

Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 21 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga positibo sa red tide toxin ang coastal waters ng mga sumusunod:

– Milagros sa Masbate
– Sapian Bay sa Roxas City
– Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz;
– Baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Boho
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at
– Lianga Bay sa Surigao del Sur


Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng anumang uri ng shellfish at alamang mula sa nabanggit na baybayin.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga pusit, isda ,hipon at alimango sa nabanggit na lugar basta’t ang mga ito ay sariwa at huhugasang mabuti at tatanggalan ng lamang loob bago kainin.

Samantala, ligtas naman sa red tide toxin ang Matarinao Bay sa Eastern Samar

Facebook Comments