9 na COVID-19 Patients sa Lungsod ng Cauayan, Nakarekober na

Cauayan City, Isabela- Fully recovered na ang siyam (9) na COVID-19 patients sa Lungsod ng Cauayan.

Sa inilabas na update ng DOH 2, gumaling na kahapon, September 16, 2020 ang 9 na tinamaan ng virus na sina CV571, CV644, CV674, CV744, CV745, CV746, CV747, CV748, CV802.

Ito’y matapos hindi na sila makaramdam o nagpakita ng sintomas ng COVID-19.


Nagnegatibo na rin ang resulta ng kanilang ikalawang swab test at natapos na rin ng mga ito ang kanilang mandatory quarantine.

Samantala, nakapagtala naman ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan matapos magpositibo si CV1291, isang 24 taong gulang na lalaki na mula sa Purok 2, Barangay Minante Dos.

Siya ay may history of travel sa Nueva Vizcaya partikular na sa mga bayan ng Dupax Del Sur, Dupax Del Norte at Villa Verde, at bago pa umuwi sa Isabela noong September 10, 2020 ay nakaranas na ito ng sintomas ng Covid-19 gaya ng pagsisipon at kawalan ng pang-amoy.

Dumeretso ito sa tinutuluyang quarters ng kanilang kumpanya sa Minante Dos upang mag strict home quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 27 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments