9 na estudyante sa Pangasinan, isinugod sa hospital matapos makaranas ng pananakit ng ulo at tiyan

Manila, Philippines – Siyam na estudyante ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagkahilo sa Pangasinan.

Agad na isinugod ang mga estudyante ng Agdao Integrated School sa Pangasinan Provincial Hospital matapos silang makaranas ng pananakit ng ulo at tiyan dahil sa nainom na samalamig na ibinibenta sa kanilang paaralan.

Bunsod nito, nagbaba na ng kautusan ang pamunuan ng paaralan na ipinagbabawal na ang pagtitinda sa loob o labas ng eskwelahan.


Facebook Comments