9 na Farm Tractors ipinamahagi ng DAF ARMM

Syam na mga munisipyo sa ARMM ang nakabiyaya ng bagong bagong farm tractor.Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Buldon, Shariff Aguak, Pagalungan, ,Datu Abdullah Sangki, at Rajah Buayan sa Maguindanao , Wao, Amai Manabilang, at Butig sa Lanao Del Sur at bayan ng Lugus sa Sulu.
Pinangunahan ang distribution ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama si DAF ARMM Secretary Alexander Alonto .
Layun ng pamamahagi ng farm tractors ay upang matulungan na maitaas pa ang farm production ng mga magsasaka sa rehiyon .
Sinasabing nagkakahalaga ng 19.8 Million pesos ang mga ito at kalimitan sa mga nakatanggap ay kabilang sa Municipal beneficiaries ng Corn and Cassava Program ng Department of Agriculture and Fisheries (DAF-ARMM).
Kaugnay nito, lubos ang kagalakan ni Buldon Mayor Abolais Manalao sa Farm Tractor na kanilang tinanggap, magiging malaking tulong aniya ito sa kanyang mga kababayang mga magsasaka.
Matatandaang muling sumigla ang agrikultura sa Buldon matapos maayos ang farm to market road at maipag ayos ang lahat ng away pamilya na karamihan ay nagmumula sa pamilya ng mga magsasaka..

Facebook Comments