Saturday, February 28, 2026

9 na indibidwal na kinabibilangan ng isang Chinese national, naaresto dahil sa ilegal na pagmimina sa Negros Occidental

Naaresto ng mga operatiba ng CIDG Negros Occidental Provincial Field Unit, kasama ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) sa Negros Island Region at ng pulisya, sa isinagawang operasyon ang 9 na indibidwal na kinabibilangan ng isang Chinese national dahil sa ilegal na pagmimina sa Brgy. Bacuyangan, Hinoba-an, Negros Occidental.

Nakumpiska sa nasabing lugar ang 2 backhoes, 3 10-wheeler dump trucks, vibrating screen machine, 2 kahon na naglalaman ng mga bote ng mercury at automatic generator set control panel.

Ang nasabing mga nakumpiska ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱17.5 milyong piso.

Nahuli ang mga nasabing suspek dahil sa wala itong maipakitang mga kinakailangang mining permits o kasunduan mula sa MGB at iba pang kaukulang otoridad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Illegal Exploration at Theft of Minerals ng Republic Act (RA) 7942 o Philippine Mining Act of 1995 ang nasabing mga suspek.

Facebook Comments