9 na kalsada sa Luzon, sarado pa rin dahil sa Bagyong Egay at habagat; halaga ng pinsala sa imprastraktura, tumaas pa!

Nananatili pa ring sarado ang siyam na kalsada sa Luzon dahil sa epekto ng Bagyong Egay at habagat.

Sa pinakahuling datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi pa rin madaraanan ng publiko ang pitong road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), at dalawang kalsada sa Region III, dahil sa pagbagsak ng lupa, puno, bato, mud flow, at iba.

Nasa sampung kalsada naman sa CAR, Region 1, at 3 ang limitado lamang ang access dahil sa baha at gumuhong semento.


Samantala, pumalo na sa higit ₱7.051 billion ang halaga ng pinsala ng kalamidad sa mga tulay at kalsada sa bansa.

Sa naturang bilang, ₱1.254 billion dito ang halaga ng pinsala sa mga kalsada, habang ₱173 million naman ang pinsala sa mga tulay, at ₱5.623 billion sa flood control projects.

Facebook Comments