9 na Katao, Inaresto sa Kasagsagan ng Bagyong Ramon!

284

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang siyam (9) na katao matapos na maaktuhan sa pagsusugal sa Poblacion 3, Sta. Maria, Isabela.

Ganap na 5:50 ng hapon kahapon nang maaresto sina Juliet Deray, 36 anyos, Marlene Balabb, 40 anyos, Lina Alingod, 33 anyos, Sheryl Guzman, 39 anyos, Liza Canceran, 34 anyos, Domingo Lopez Jr, 44 anyos, Luis Cure, 34 anyos, Pablo Gannaba, 34 anyos, Edwon Loquia, 35 anyos na pawang mga residente ng Poblacion 3, Sta Maria, Isabela.


Nadakip ang siyam na mga suspek matapos matiklo ng mga rumespondeng pulis sa naturang lugar.

Nakumpiska ng mga otoridad ang pera na P420.00 at ilang set ng dice na ginamit sa pagsusugal ng mga suspek.

Ang mga naaresto ay dinala sa himpilan ng pulisya at sila’y posibleng maharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Act.

Facebook Comments

From Advertisers