MAYNILA – Arestado ang siyam na katao dahil sa iligal na pagsasabong sa tuktok ng isang commercial building nitong Lunes.
Ayon sa otoridad, sinalakay nila ang naturang gusali matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga concerned citizen tungkol sa kakaibang gawain.
Narekober sa lugar ang mga manok na pansabong, kulungan nito, at mga tari na ginagamit sa palihim na sabong.
Mariin naman itinanggi ng isa sa mga nadakip na dawit siya sa patupada. Depensa niya, madalas daw tambayan ng mga nangungupahan doon ang rooftop ng gusali.
Kinasuhan ang mga sabungero ng paglabag sa mga sumusunod: Presidential 1602 (Illegal Cockfighting Law), Republic 11469 (Bayanihan to Heal as One Act), at Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.)
Isinailalim ang buong Metro Manila sa enhanced community quarantine kung saan bawal ang mass gathering katulad ng pagsasabong.