Magpapakawala ng tubig ang Magat Dam mamayang alas-3:00 ng hapon.
Kasunod ito ng inaasahang pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Tropical Storm Maring at ng low pressure area (LPA) na tira pa ng dating Bagyong Nando.
Sa abiso ng National Irrigation Administration (NIA), bubuksan nang isang metro ang Gate 4 ng Magat Dam na maglalabas ng tubig na aabot sa 200 cms.
Samantala, nakataas ngayon sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang siyam na lugar sa bansa kabilang ang:
1. Catanduanes
2. Batanes
3. Cagayan including Babuyan Islands
4. northeastern portion of Isabela (Santa Maria, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, San Mariano)
5. Eastern Samar
6. eastern portion of Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos)
7. eastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas);
8. Dinagat Islands
9. Surigao del Norte