Tinupok ng apoy ang isang dalawang palapag na bahay sa Bruger Street, Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Muntinlupa City Fire Marshal Supt. Eugene Briones, mag-a-alas nuebe kaninang umaga nang magsimula ang apoy sa second floor ng bahay.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog.
Idineklara itong fire under control dakong alas-9:25 at tuluyang naapula alas-10:25 ng umaga.
Siyam naman sa labing-isang nakatira sa nasunog na bahay ang napaulat na nasawi kabilang ang isang sanggol.
Kwento ng nakaligtas na si Virginia Kawali, 87-anyos, nakita na lamang niya na makapal na usok galing sa itaas ng kanilang bahay.
Agad siyang nakalabas dahil nasa baba lamang siya at nagbabantay ng tindahan habang naiwan sa loob ang kanyang mga apo na noo’y natutulog nang mangyari ang insidente.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa posibleng sanhi ng sunog. | Developing story.