Ligtas na ang siyam na mangingisda matapos tumaob ang kanilang sinasakyang motorized banca sa baybaying dagat ng Claveria, Cagayan nitong Martes, Oktubre 18, 2022.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO), sinabi ni Coast Guard SN1 David Manuel na silang unang rumesponde sa insidente na tumaob ang mga bangka dahil sa lakas ng alon sa dagat.
Ayon kay Manuel, magkasunod umanong tumaob ang dalawang bangka na lulan ang pitong indibidwal na galing sa Fuga Island upang maghatid sana ng mga ibebentang alagang hayop sa mainland Cagayan.
Tumaob rin ang isa pang bangka na may sakay na dalawang indibidwal na residente naman ng bayan ng Claveria.
Narekober pa ang mga bangkang tumaob ngunit ang mga ito’y may sira na dahil sa lakas ng alon.
Facebook Comments