9 na mangingisda, nawawala sa paglubog na fishing vessel sa karagatang sakop ng Cebu at Iloilo

Isang fishing vessel ang lumubog sa karagatang nasa pagitan ng Cebu at Iloilo, kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), agad silang rumesponde matapos makatanggap ng impormasyon na lumubog ang fishing vessel na St. Peter the Fishermen II sa pagitan ng Tanguingui Island at Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo.

Nailigtas ang 22 mangingisda habang siyam ang patuloy na pinaghahanap ngayon kabilang ang kapitan ng barko, ang chief engineer at cook ng barko.


Ayon sa isa sa mga survivor, nangingisda sila nang biglang lumakas ng hangin at alon kaya unti-unting tumagilid ang barko hanggang sa tuluyang lumubog.

Facebook Comments