9 na Maute ISIS stragglers kabilang na ang pinsan ng Maute brothers, patay!

Marawi City – Patay ang siyam ng Maute ISIS stragglers na kabilang sa natitirang mga terorista sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao, deputy commander Col. Romeo Brawner dahil sa walang tigil na sagupaan mula madaling araw hanggang kahapon ng hapon ay napatay ang siyam na stragglers.

Kabilang sa mga nasawi si Ibrahim Maute alias Abu Jamil, ang pinsan ng magkapatid Omar at Abdulah Maute.


Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pagtugis ng militar laban sa mga natitirang maute ISIS stragglers sa main battle area.

Nanatili naman ang panawagan ng militar sa publiko lalo na sa mga residente ng Marawi na delikado pa rin ang pumunta sa main battle area sa lungsod dahil sa pananatili ng mga natitirang terorista.

Facebook Comments