9 na mga lugar sa San Mateo, Rizal, isinailalim sa localized lockdown

Ayon sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal, isinailalim ang mga sumusunod na lugar sa localized lockdown sa loob ng 14 days simula Hulyo 24 hanggang Agosto 6, 2020 ang Pag-asa Compound, Barangay Ampid 1, Chrysanthemum Street, Barangay Sto. Niño, Waling-waling Street, Dela Paz Street, Buntong Palay, Purok 2 at Barangay Silangan.

Mas mahigpit na ipatutupad ang health protocol measures at papayagan lamang lumabas ang mga may trabaho at bibili ng mga essentials.

Maglalabas din ng quarantine pass ang mga naturang barangay habang mag-iikot ang Philippine National Police (PNP) at barangay officials para mahigpit na ipatupad ang health protocols, curfew hours at iba pang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.


Pinagbabawalan din lumabas ang mga walang suot na facemask kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng social distancing upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments