9 na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa militar sa Indanan, Sulu

Kusang loob na sumuko sa tropa ng miitar ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Indanan, Sulu kamakailan.

Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, Commander ng Joint Task Force Sulu, ang siyam na ASG personalities ay sumuko kay Col. Giovanni Franza, ang Commander ng 1102nd Infantry Brigade sa Camp Bud Datu sa Indanan.

Ilan sa mga sumuko ay mga tauhan nina ASG Sub-leader Hairulla Asbang at ASG Sub-leader Apoh Mike.


Isinuko rin ng mga ASG member ang kanilang matataas na kalibre ng armas katulad ng M16A1 rifle, KG9 Semi-Auto 9mm pistol.

Tiniyak naman ni Patrimonio sa mga sumuko na gagawin ng militar ang lahat para makakuha sila ng tulong mula sa gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Sinabi naman ni Col. Jorry Baclor, Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief, nananatili ang momentum ng AFP sa pagsasagwa ng operasyon laban sa local terrorist group sa bansa.

Facebook Comments