
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang siyam na natatanging traditional Filipino artists para kanilang mga naging ambag sa pagpapanatili ng mga lokal na tradisyon.
Nakatanggap ang mga naturang traditional Filipino artists ng 2023 Gawad sa Manlilikha ng Bayan sa Metropolitan Theater Manila.
Kinilala si Adelita Bagcal sa pagpapanatili ng Dallot o oral tradition ng mga Ilokano; si Abina Coguit, sa pagbuburdang Agusan Manobo; si Hadja Sakinur-ain Delasas ng tradisyong sayaw na Sama igal ng Bongao, Tawi-Tawi, at si Bundos Bansil Fara para sa T’boli brasscasting.
Tradisyong paghahabi naman ang nagbigay ng pagkilala kay Marife Ganahon; beadworks at embroidery kay Amparo Mabanag ng Mountain Province; at weaving kina Samporonia Madanlo at Barbara Ofong; at traditional chanting kay Rosie Sula ng South Cotabato.
Ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan o National Living Treasures Award ang pinakamataas na pagkilalang ipinagkakaloob sa traditional folk artists.
Tumanggap ang awardees ng P200,000 bukod pa sa buwanang P50,000 habambuhay, at P750,000 medical assistance, bukod pa sa plaque at medalya.
Entitled rin ang mga ito sa state funeral.
Layon ng parangal na matiyak na maipapasa ang kanilang natatanging galing para mapanatili ang sining at kulturang Pilipino.









