9 na Ovearseas Filipinos, bagong na-infect ng COVID-19

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 9 pang mga Pilipino ang tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

5 naman ang bagong gumaling at wala muling bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 16,077 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong-dagat na na-infect ng COVID-19.


Sa nasabing bilang, 5,287 pa ang patuloy na nagpapagaling habang 9,743 ang total recoveries.

Nananatili naman sa 1,047 ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments