9 na overseas Filipinos, bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad

Siyam na overseas Filipinos ang bagong nakarecover sa COVID-19 sa ibayong-dagat.

Labing-lima naman ang bagong nainfect ng virus, habang 3 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 18,237 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.


Ang aktibong kaso naman ay 5,921 habang ang total recoveries ay 11,190.

Ang total deaths naman ay 1,126.

Facebook Comments