Nakauwi na sa bansa ang siyam na Pilipino na nasagip sa human trafficking scheme sa Laos.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang siyam na Pinoy ay kabilang sa 73 Pinoy human trafficking survivors na nasagip mula sa Golden Triangle Special Economic Zone sa Bokeo Province sa Laos.
Sinabi ng DMW na pinangakuan ang mga Pilipino ng trabaho bilang customer service representative sa Thailand, pero sila ay pinuwersa na maging scammers.
Tiniyak ng DMW na pagkakalooban ng pinansyal na tulong, psycho-social support, at legal assistance.
Nagpapatuloy naman ang crackdown operation laban sa iligal na mga kompanya sa nasabing economic zone sa Laos.
Facebook Comments