
Hawak na ng mga opisyal ng Philippine post ang siyam na tripulanteng Pinoy na pinalaya ng Houthi rebels mula Yemen.
Sila ay ang crew members ng MV Eternity C na inatake ng Houthis sa Red Sea nitong Hunyo.
Nagpapasalamat naman ang Department of Migrant Workers kay Omani Sultan Haitham bin Tariq, sa ligtas na paglaya ng Pinoy seafarers.
Ang 9 na Pinoy crew members ay inilipat sa Muscat, Oman mula sa Sana’a, Yemen.
Wala pang petsa ang pag-uwi sa bansa ng mga Pinoy seafarers.
Facebook Comments









