Marami sa atin ang naghahangad ng mala-beach body na katawan o di kaya naman ay magmukhang fit and healthy. Napakaraming paraan upang gawin ito. Prutas ang isa sa pinakamabisang pampapayat, hindi lang masarap healthy pa. Ang prutas ay may napakaraming health benefits na na makakatulong sa katawan upang maging malakas at malusog.
Ito ang ilan sa mga prutas na maaari mong kainin at idagdag sa iyong diet:
Pakwan
Pakwan ay may mataas na water content, may mababang calorie at meron itong arginine- isang uri ng amino acid na tumutulong sa pag-burn ng fats. Dahil sa taglay nitong water content mas nararamdaman ng katawan ang kabusugan sa mahabang oras kaya nababawasan ang pagkain ng hindi healthy na pagkain.
Avoado
Ang Avocado ay may mataas na fiber at mababang carbohydrates. Nakakatulong din ito sa magandang metabolismo at sapat na energy sa ating katawan. Tinaguriang “best fruit for weight loss” dahil sa regular na pagkain nito makakatulong ito upang maging fit and healthy.
Pinya
Ang Pinya ay mayaman sa antioxidants,enzymes, minerals at mga bitamina. Dahil sa taglay nitong health benefits ang katawan ay magiging ligtas sa cholesterol at fat
Mansanas
Ang Mansanas ang isa sa pinakahealthy na prutas, bukod sa pampapapayat maari din ito makatulong upang malayo sa cancer at iba pang sakit, malusog na puso, pampaputi ng ngipin, pampalakas ng immune system at nag aayos ng digestive problems. Ito rin ay may sapat na fat at sodium na may sapat lamang na calorie para masuportahan ang tamang diet.
Bayabas
Ang Bayabas ay mababa ang calorie at fats, mataas sa fiber at may napakaraming bitamina, mineral at antioxidants. Makakatulong din ito sa pagtutunaw ng pagkain at pagdumi.
Saging
Ang Saging ay nagbibigay ng energy sa ating katawan. Naiiwasan din ang muscle cramps, tumutulong na maging normal ang blood pressure at nakakaiwas sa acidity, tumutulong dito sa maayos na pagdumi kapag nasa diet.
Orange
Ang Orange ay may tamang tamis para sa mga nagdadiet na nais kumain ng something sweet. Sa isang 100 grams na orange mayroon lamang itong 47 calories.
Kamatis
Ang Kamatis ay mayaman sa antioxidants, isang malaking bagay para masatisfy ang panlasa at napapanatili nitong busog sa loob ng mahabang oras. Meron din itong mababang calorie at water content.
Peras
Ang Peras ay may fiber na nakakatulon digestive system ng katawan. Napapababa din nito ang level ng cholesterol, nababawasan din ang pagkakaroon ng sakit sa puso at diabetes.
Lemon
Ang Lemon ay maaaring ihalo sa honey ang kombinasyon ng dalawag ito ay maaaring inumin sa umaga ay isang natural na detoxifier. Ito ay isang alkaline food na nagpapanatili ng energy at mga bitamina at mineral.
Napakaraming paraan upang magbawas ng timbang, ngnit mahalaga pa rin ang pagiging healthy ng ating mga katawan. Tamang pagkain at ehersisyo ay kailangan.
Article written by Marvea Carolene Quisay