9 na pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros, naaresto na ng CIDG-NCR

Naaresto na ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang 9 na pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.

Ayon kay CIDG-NCR Director Col . John Guiagui, sinilbihan na ng warrant of arrest ang nasabing mga pulis at nasa kustodiya na nila ito sa Kampo Krame.

Nabatid na kaninang umaga ay nagbanggit na si acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., na meron silang 11 pulis na nasa restrictive custody.

Ayon pa kay Guiagui, lieutenant colonel ang pinakamataas na ranggong naaresto sa nasabing mga akusado.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 26 sa Sta. Cruz Laguna.

Sa ngayon , nahaharap ang mga pulis sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention at iba pa.

Samantala, patuloy ang paghahanap ngayon ng mga awtoridad sa kinaroonan ni Atong Ang, isa sa mga sangkot sa nasabing missing sabungeros.

Facebook Comments