9 na pulis-Cavite, sibak sa pwesto matapos ang pangraransak sa bahay ng retiradong propesor

Inalis na sa pwesto ng Police Regional Office Calabarzon ang 9 na myembro ng Cavite City Police Station na sangkot sa umano’y pangraransak sa bahay ng isang retiradong propesor sa Imus, Cavite.

Sa report sa Kampo Krame ni PRO Calabarzon Regional Director Police BGen. Carlito Gaces, kabilang sa inalis sa pwesto ang team leader ng Station Drug Enforcement Unit na si Police Major Alexes Tuazon.

Pansamantalang inilipat ang grupo ni Tuazon sa Provincial Administrative and Resource Management Unit.


Ni-recall narin ang armas ng mga pulis habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PRO Calabarzon.

Kasunod nito, tiniyak ni Gaces na hindi niya kukunsintihin ang maling gawain ng mga police scalawags at sa katunayan, nakahanda na ang kasong administratibo at kriminal laban sa mga dawit na pulis.

Facebook Comments