Nasa kustodiya pa ng Camp Crame sa Quezon City ang 9 na pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting incident na ikinamatay ng apat na sundalo.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa kabila ng dismissal sa serbisyo na ipinataw sa kanila ng PNP.
Ayon kay PNP Chief, tinatapos na lamang nila ang 10 araw na palugit matapos niyang lagdaan ang rekomendasyon ng PNP-IAS.
Sinabi ni PNP Chief sa oras na maging epektibo na ang kanilang pagkakasibak sa serbisyo ay wala na silang makukuhang benepisyo, maliban sa mga hindi nila nagamit na leave.
Ang siyam na pulis ay sina:
Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri
M/Sgt. Hanie Baddiri
S/Sgt. Iskandar Susulan
S/Sgt. Ernisar Sappal
Cpl. Sulki Andaki
Pat. Mohammed Nur Pasani
S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin
Pat. Alkajal Mandangan
Patrolman Rajiv Putalan