9 na pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Rolando Aquino at mga kasamahan nito, sumuko na

Sumuko na ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Rolando Aquino at mga kasamahan nito noong nakaraang taon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos, sa ngayon ay nasa kustodiya ng Detective Special Operations Unit (DSOU) custodial facility sa Camp Crame ang mga pulis na kinilalang sina:

 Police Lieutenant Colonel Harry Sucayre
 Police Major Shyrile Tan
 Police Captain Dino Goles
 Police Lieutenant Julio Armeza, Jr.
 Police Staff Sergeant Neil Cebu
 Police Staff Sergeant Edsel Omega
 Patrolman Niño Salem
 Police Corporal Julius Garcia
 at Police Staff Sergeant Randy Merelos


Ayon kay Carlos, isinasangkot ang mga ito sa apat na magkakahiwalay na kasong kriminal kung saan itinuturing na sila ngayong Persons Under Police Custody habang naghihintay ng utos mula sa korte.

Matatandaang noong Marso 2021 ay nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng grupo ng alkalde at ng mga pulis na sumusunod sa kanila.

Napatay rito si Aquino pati na rin ang kaniyang driver at security officer habang isang pulis naman ang nasawi at isa ang sugatan.

Facebook Comments