9 na pulis na sangkot sa pagpatay sa alkalde ng Calbayog City, pinakakasuhan na ng DOJ

Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa 9 na pulis na sangkot sa pag-ambush at pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong March 2021.

Ito ay matapos makitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mga sumusunod:
-PLt.Col. Harry Villar Sucayre, Team Leader, PNP- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP–IMEG)
-PMaj. Shyrile Co Tan
-PCapt. Dino Laurente Goles
-PLt. Julio Salcedo Armeza, Jr.
-PSSg. Neil Matarum Cebu
-PSSg. Edsel Tan Omega
-Pat. Niño Cuadra Salem
-PCpl. Julius Udtujan Garcia
-PSSg.Randy Caones Merelos
-“John Does”

Partikular na nakapagpabigat sa reklamo ang testimonya ng mga testigo at ang mga ebidensyang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI).


4 counts ng murder at 1 count ng frustrated murder ang isasampa ng DOJ prosecutors sa Calbayog City Regiona Trial Court laban sa mga akusado.

Bukod kay Mayor Aquino, 3 iba pa ang namatay sa pananambang habang nasugatan ang isang bodyguard ng alkalde.

Facebook Comments