Pinakakasuhan sa korte ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ang siyam na pulis na dawit sa Jolo, Sulu shooting noong June 2020 na ikinasawi ng apat na Army Intelligence officers.
Base sa resolusyon ng DOJ panel, nakitaan ng probable cause para sampahan ng apat na counts ng murder at planting of evidence ang siyam na Jolo policemen.
Kinilala ang mga inirekomendang kasuhan na sina PSMS Abdelzhimar H. Padjiri, PMSg. Hanie U. Baddiri, PSSg. Iskandar I. Susulan, PSSg. Ernisar P. Sappal, PCpl. Sulki M. Andaki, Pat. Moh Nur E. Pasani, PSSg. Admudzrin M. Hadjaruddin at Pat. Alkajal J. Mandangan.
Sinabi ng DOJ na ang pagpatay sa mga biktima ay treachery dahil ang mga ito ay walang armas, unsuspecting, at wala sa posisyon para idepensa ang sarili nang sila ay barilin.
Nakasaad pa sa resolusyon na batay sa autopsy at post-mortem examination, namatay ang mga biktima dahil sa mga tinamong tama ng baril sa likod ng kanilang katawan.
Sinabi rin ng DOJ na sinadyang inilagay o tinanim ng mga akusado ang armas malapit sa kaliwang kamay ng biktimang si Major Marvin Indammog na isang right-handed para pagtakpan ang sadyang pagpaslang sa mga biktima.
Samantala, ibinasura ng piskalya ang reklamong neglect of duty kina Sulu Provincial Police Chief Pol. Col. Michael Bawayan Jr., Jolo Police Chief Police Major Walter W. Annayo at Sulu Provincial Drugs Enforcement Unit Chief Pol. Cpt. Ariel J. Corcino.