9 na Sasakyan, Nagkarambola Matapos Araruhin ng Isang Truck sa City of Ilagan, Isabela!

*Ilagan City, Isabela- *Nagkarambola ang siyam na sasakyan sa pambansang lansangan ng brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela matapos araruhin ng isang forward truck pasado alas otso kaninang umaga.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay umano ng suspek at driver ng truck na si Joey Sienda Pagaduan, bente syete anyos at residente ng brgy Langagan, Sanchez Mira, Cagayan ang nasabing lansangan nang bigla umanong nawalan ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.

Dahil dito ay aksidenteng nabangga ang siyam na mga sasakyan kung saan dinala na sa pagamutan ng Rescue 1124 ang mga biktima para sa kanilang kaukulang lunas.


Inaalam pa ng PNP Ilagan City ang halaga ng mga napinsalang sasakyan habang inihahanda naman ng PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Multiple Physical Injuries and Damage to Properties laban kay Joey Pagaduan.

Facebook Comments