Hawak na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang siyam na wanted persons na nahuli sa Quezon City.
Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, ang lahat ng mga suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng iba’t ibang korte.
Kabilang sa mga inaresto na sina Aaron Manzano at Judith Agaloos dahil sa paglabag sa Anti-Bouncing Check Law.
Para naman sa kasong Estafa, naaresto sina Belinda L. Pladias, Mark Laurence Alao at Michael Resureccion.
Kasama pa sa mga naaresto na sina Emmerson Claro dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Slight Physical Injury; Arvin Alan Sandro na lumabag sa Republic Act (R.A) 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Inaresto naman ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Jett Maliwat at dahil sa paglabag sa Batas Pambansa 22 o ang pag-iisyu ng talbog na tseke.
Agad namang aabisuhan ang mga courts of origin ng mga arrest warrant kaugnay ng pagkakaaresto ng mga suspek.